Biyaya ang Dasal
Biyaya ang Dasal
Biyaya ang Dasal
Peter Matthew G. Glinoga, College Student
Sa totoo lang napaka hiwaga ng pagdarasal. Isa itong biyaya ng Diyos sa tao.
Naniniwala ako na ang pagdarasal ay parte ng walang hanggang awa ng Diyos sa atin. Karamihan naman siguro sa atin ay nagdadasal ng mga kahilingan at mga ipinagpapasalamat natin. Siguro karamihan din sa atin ay namulat na ang pagdadasal ay paghingi ng tulong, bagay, at kung ano ano pa sa Diyos. Siguro nung umpisa katulad ko ang ibang mga tao na ang tingin sa pagdadasal ay napaka babaw, ngunit sa pagtagal ng panahon unti unti lumalalim ang kahulugan nito.
Ang pagdarasal ay isang paraan ng pagmamahal sa Diyos at sa kapwa pero higit dito isa rin itong paraan para maunawaan ang pagmamahal ng Diyos. Nasabi kong isa itong paraang ng pagmamahal sa Diyos dahil nagpapakita ito ng kapakumbabaan, kagustuhang mapalapit sa Diyos, at kaalaman na kaylangan ko ang tulong ng Diyos sa aking buhay.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses ako nagdasal para makapasa sa mga quiz at exam, para matupad ang pangarap pangarap, malampasan ang takot sa buhay kagaya ng kadiliman takot ako sa dilim dati), nung mga oras na namatay ang tatay ko sa isang iglap, yung nakakaranas ako ng sobrang kalungkutan at kaguluhan sa buhay, nung mga oras na binalot ako ng kasalanan especially “lust”, at marami pang iba. Nasabi ko naman na isa itong paraan ng pagmamahal sa tao dahil bilang isang limitadong nilalang hindi natin maproprotektahan ang gating mga minamahal sa buhay sa lahat oras kaya naman idinadalangin natin sila sa Diyos upang ipagpa sa Diyos ang kanilang kaligtasan sa lahat ng oras at naniniwala ako na stuwing ginagawa natin ito ay ipinapakita natin ang pagmamahal sa tao. Siguro nung mga panahong meron akong primary complex nung bata ako kung saan labas pasok ako sa ospital, yung time na dinala ako sa ospital bago mag grade 7 kasi nagkaroon ako ng pneumonia at measles, at yung nabangga ako ng motor kung saan nawalan ako ng malay ay yung mga oras na marami ang nagdasal sa akin kaya naman ang Diyos ay binagyan ako ng kagalingan at buhay.
Naniniwala ako na yung mga dasal para sa aking kaligtasan ay may kasamang pagmamahal. Nasabi ko naman na ang pagdarasal ay isang paraan upang maunawaan ang pagmamahal ng Diyos dahil sa tuwing tayo ay nagdarasal mas nakikita natin kung gaano tayo kamahal ng Diyos, nakikita natin ang ilang mga kilos ng Diyos sa ating buhay, at mas nauunawaan natin ang pagmamahal ni Hesus sa krus. Napaka ganda ng pagdarasal dahil nagging daan to para mas magmahal ako. Naalala ko yung panahong sa SCA-CCP ako kung saan may dalawa akong kinakainisang tao, at ang ginawa ko ay idinasal ko sa Diyos na matuto ko nawa silang mahalin, at nangyari nga!
Salamat sa Diyos pagkat binigay niya sa atin ang kakayahang magdasal at ipinakita niya sa akin ang kapangyarihan ng pagdarasal.